Utent:Leeheonjin/sandbox
Piyamontes (Pagbasa ng Piyamontes sa bersyong Tagalog)[modìfica | modifiché la sorgiss]
Mabuti nang maging maaga sa halip na mahulí![modìfica | modifiché la sorgiss]
Nakatuon ang mga notang ito sa milyon-milyong katutubong tagapagsalita ng Piyamontes na hindi kailan man nakatanggap ng pagtuturo sa kanilang katutubong wika. Tinataya sa mga kamakailang pag-aaral (sa Italyano) na di-literato sa kanilang inang wika ang halos 98% ng mga katutubong tagapagsalita ng Piyamontes.
Katulad ng sa kahit na ano mang wika, nairal din ang kawalan ng kaalaman sa pagbasa at pagsulat (illiteracy), lalo na sa mga mababang klase. Ganoon pa man, pangkaraniwan ang kawalan ng kaalaman sa pagbasa at pagsulat ng Piyamontes sa mga tao ng bawat klase at bawat antas ng kinikita at edukasyon. Isa sa mga pangunahing layunin ng gawaing ito ang pagpapakalat ng kakayahan makapagbasa at makapagsulat, at maisanay ang madlang Piyamontes sa multilinggwismo. Ito ang pambungad ng susunod na rebolusyong pang-aghamwika, lalo na't naitalaga na ang Ingles bilang wika ng teknolohiya at isang saligang kwalipikasyon para sa isang pook-trabahuan.
Baga ma't nabigyang-tukoy at kahit na papaano ang katamarang pangkaisipan upang ipangatuwiran ang kawalan ng kaalaman sa Piyamontes, na hinahanay ito bilang "wikain" o "diyalekto", o inihahantong ito bilang isang "etniko" upang masupil ito sa ilalim ng monopolyo ng mga opisyal na wika (kabilang ang pagpigil ng mga wika ng mga dayuhan), mahalaga ngayon ang pagiging sanay sa higit pang mga wika nang tuloy-tuloy. O kaya naman, makakaranas din ng katulad na diskriminasyon at kawalang-kwalipikasyon ang mga mismong opisyal na wika na sa nagdaaan ay mayroong mga pinahinang lokal na wika.
Sa totoo lang, nagiging banta ang magiging hinaharap ng mga mismong wikang pang-estado ang pag-atake sa mga wikaing iyon. Sadyang kitang-kita na rin ang mga unang palatandaan, sa pagturing lang ng bilang ng mga salitang hinango mula sa Ingles, na hindi naman kinakailangan minsan (katulad na lang ng ano ang pinagkaiba ng manager mula sa dirigente?). Patuloy ang Italyano sa pagkawala ng sarili nitong halaga, at nagsimulang makatanggap ito ng tiyak na paghamak, na hindi tampat kagaya ng sa mga lokal na wika dati, at sadyang mapanira. Pumapadausdos na iyon nang tuluyan patungo sa katayuang ganap na walang saysay na wika (walang larangan o serbisyong teknikal na mayroong wika bukod pa sa Ingles) at hindi iyon isinasama sa mga kursong maghahatid sa higit na mataas na kita (ang mga Kursong "Master" sa Politekniko ng Turin, tulad ng nakamungkahi sa pangalan nito, ay buuang tinuturo na ngayon sa Ingles).
Dahil sa mga prosesong ito na dinidikta ng kapangyarihan ng Ingles, na siyang tumalaga sa papel ng internasyonal na wika, hindi mapipigilan ang mga proseso ng lehislatibong fiat. Sa kasalukuyang daloy, tayo ay wala nang higit pa sa dalawang henerasyon upang mailigtas pa ang Italyano maging ang mga lokal na wika. Nakakalulang pinalalaki ang bilis ng pagpapakalat ng Ingles ng Internet at teknolohiya, at ang proseso ng paglipol ng mga lokal at ng pambansang wika, kung hindi titingnang maigi, ay magtatagal lang ng ilang dekada. Ang tanging maaaring pagkakaligtas ay ang pagsasanay sa madlang Italyano na gumamit ng isa pang wika, na binibigyan ang bawat isa ng dangal at paggalang.
Sa totoo lang, ang ukol sa tanaw ng mga kabataang ngayon tungo sa mga nanghihinang wika ay maililipat sa tuluyan nang nanghihinang Italyano sa darating na ilang dekada lamang. Kung ang ukol na ito ay ilalaan sa edukasyon ng mga bata, magpapatuloy ang Ingles na maging higit na pangkaraniwan, ngunit hindi bilang isang wika ng sangkatauhan, bagkus ay bilang isang simpleng isang wika katulad ng iba, higit na praktikal nga lang sa ibang bagay. At ang tanging paraan lang upang magawa iyon nang mabuti at mabilis ay ang paggamit ng mga lokal na wika, na nariyan na lang upang magamit, at walang paraan upang mawala nang tuluyan.
Mapalad namang mayroong madaling naisakatuparang paraan, kahit na ang paggamit ng puwersa ng mga pangkat-boluntaryo. Madaling matutong magbasa ng iyong sariling wika! Ang bawat salitang iyong natututunang basahin at isulat sa Piyamontes (o Pulyese, Napoletano, Lombardo, Beneto, Sisilyano, Emilyano, o ang wikang pangdayuhan) ay nagdaragdag ng ladrilyo sa dingding ng sanggalan ng Italyano laban sa omologasyong linggwistika.
Hindi ito mga katanungang pampolitika o pang-etniko, ngunit karanasang pangkasaysayan na dalisay at payak. Ang wikang hindi matanggap na magkakasama ay hindi maaaring humanap ng komprontasyon, dahil ang pagkompronta sa Ingles ay nangangahulugang tiyak na pagpanaw. Mainam na matutong makipamuhay sa bawat isa at manatiling buhay, tama?
Kaya, balik naman uli doon sa layunin ng operasyon. Pagtulungan natin! Ang pinakamabuting paraan upang matutong magbasa, ganoon pa man, ay ang magbasa!
Ang Alpabetong Piyamontes[modìfica | modifiché la sorgiss]
Gaya ng kahit na anong wika, ang Piyamontes ay mayroong sariling katangiang pangtunog at alpabeto, na binubuo ng mga hudyat na nagsasalin ng mga tunog niyon. Sa pahinang ito, matatagpuan mo lang ang mangilan-ngilang mga pabatayang punto sa tamang pagbigkas ng wika. Sa ngayon, walang binibigay ang Wikipedia Piyamontes ng in-line na tulong na pambalarila. Ganoon pa man, mayroon namang itong sityo (sa Piyamontes) na humahawak sa paksa. Upang maiwasang ang kawalang-hanggan ng pagkakaiba sa mga baybay, ginagamit namin dito ang sistemang ponetiko ng pagkatawan at pagbikas na mga halimbawa mula sa ibang mga wika.
Titik | Hudyat Pamponetiko ayon sa Merriam-Webster' |
Mga tala | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
A |
&, [o&] |
Ang titik A. Kapag hindi nakatuldik (unaccented) ay nagbibigay ng palatandaan ng tunog schwa katulad ng sa Ingles na "about". Kapag nakatuldik (accented) ay nagbibigay palatandaan ng halos katumbas ng tunog na 'aw' kasunod ng schwa, katulad ng sa Ingles na "paw", depende sa lokasyong pangheograpiko katutubong mananalita. Kapag kailangang gumamit ng isang tuldik, nakasulat iyong bilang À.
| |||||||||||||||||||||
E |
e, æ |
Ang titik E. Nagbibigay palatandaan ng tunog na 'e', katulad ng 'e' sa 'espasol'. Kapag nakasulat nang mayroong tuldik, iyon ay É. Para sa ibang katugmang tunog, tingnan ang È.
| |||||||||||||||||||||
È |
æ |
Naiibang tunog ito sa regular na E. Nagbibigay ito ng palantandaang tunog na 'e', sa pagitan ng Ingles na 'a' sa 'bat' (paniki) at ng 'e' sa 'bet'. Kadalasang tinatanggal ang tuldik na ito. Kalimitang umiiral ang tunog na ito sa mga saradong pantig (mga silabang nagtatapos nang mayroong katinig).
| |||||||||||||||||||||
Ë |
& |
Ang titik Ë, kilala rin bilang ikatlong patinig ng Piyamontes. Mayroon itong maikling tunog na schwa katulad ng 'o' sa 'contain' o ang 'e' sa Pranses na 'revoir'. Iyon ay napakabilis na tunog, sadyang mabilis na halos imposibleng maintindihan na ang orihinal na patinig ay napahaba (at dahil dito ay sumasailalim iyon sa napakaraming bilang ng mga panglokal at pampersonal na kulay). Sa mga tuntunin ng haba at sa artikulasyon maaaring maalala ang titik Å ng wikang Danes. Mayroong itong di-pangkaraniwang uri ng pagdoble ng kasunod na katinig kapag nag-iisa at napapalibutan ng mga patinig. Ito lang ang tanging paraang nadodoble ang mga katinig sa Piyamontes.
| |||||||||||||||||||||
O |
u |
Ang titik O, katulad ng tunog na 'oo' ng Ingles na 'boot' o ang 'u' katulad ng 'ulam'. Kapag nakatuldik, nakasulat bilang Ó.
| |||||||||||||||||||||
Ò |
o |
Ang titik Ò. Binibigkas katulad ng saradong 'o' Italyano, Espanyol o Tagalog, nang higit na mahaba. Palagi nitong dala-dala ang diin (stress), kaya lilitaw lang ito nang isang ulit sa isang salita.
| |||||||||||||||||||||
U |
[ue], u |
Ang titik U. Kapag nakatuldik at nag-iisa, kinakatawan nito ang tunog na "Piyamontesna U", na katulad ng sa Pranses na U o ng Aleman na Ü. Kapag nakatuldik, nakasulat ang titik na ito na Ù. Kapag kasunod ng titik Q, o nalitaw sa mga diptonggo, o triptonggo o sa isang hindi nakatuldik na kinalalagyan, binibigkas iyon nang katulad sa 'ou' ng 'boutique'.
| |||||||||||||||||||||
EU |
[oe] |
Ang digrapong EU. Kinakatawan niyon ang tunog na 'eu' ng Pranses na 'feu' o ang Aleman na Ö. Palagi itong nakatuldik, kaya sa makatuwid ay lalabas lang nang isang ulit sa isang salita at hindi maaaring makahalo ng Ò. Ang mga kataliwasan sa altuntuning ito ay ang mga:
Ang lahat ng mga salitang ito ay mayroong katulad na pinag-uugatan at binibigkas ang mga iyon nang mayroong natatanging tunog na diptonggong 'e-u' na kagaya sa Espanyol o Italyano.
| |||||||||||||||||||||
CC |
[ch] |
Ang mga digrapong CC at GG. Nagamit lang sa dulo ng isang salita, na nagpapahiwatig ng malambot na tunog na C o G ('ch' na parang 'porch', at ang tunog na J ('dz' sa Tagalog) na 'ge' sa 'large'.
| |||||||||||||||||||||
J |
y |
Ang titik J. Kinakatawan ng semivowel na tunog na Y katulad 'y' in 'yayain'. Minsan binibigkas din bilang 'ly' katulad ng 'talyer'.
| |||||||||||||||||||||
N |
n, [ng] |
Ang titik N. Sa karamihan sa kinalalagyan, katunog nito ang 'n' ng 'ninuno'. Kapag sa dulo-salita, bago ang mga tunog na K o G, katulad nito ang tunog na 'ng' katulad 'n' sa Ingles na 'canker'.
| |||||||||||||||||||||
N- |
[ng] |
Ang titik N-. Baga ma't binubuo ito ng dalawang simbolong grapiko, itinuturing itong iisang titik. Nagaganap lang ito sa pagitan ng mga titik at kinakatawan ang tunog na 'ng' ng 'alingawngaw' o 'pating'. Ang patinig bago ang N- ay palaging nagkaka-tuldik. Ang isang maaaring kataliwasan ay ang pangalang Bon-apart, na isang tambalang salita.
| |||||||||||||||||||||
S |
s, z |
Ang titik S. Binibigyang tanda ang unvoiced na tunog na 's' maliban kapag nasa pagitan ng dalawang patinig o nasa dulo ng isang salita, kapag binibigyang tanda niyo ang naka-tinig na tunog na 's'.
| |||||||||||||||||||||
SS |
s |
Ang titik SS. Nagbibigay tanda ng walang tinig na tunog na 's' sa pagitan ng dalawang patinig o sa dulo ng salita. Hinding hindi iyo binibigkas nang mayroong dobleng haba.
| |||||||||||||||||||||
Z |
z |
Ang titik Z. Kinakatawan ang tunog na 'z' sa simula ng isang salita, kasunod ang katinig o bago ang consonant.
| |||||||||||||||||||||
V |
v, u, w |
Ang titik V. Ito ang pinakamasikot (complex) na titik ng alpabetong Piyamontes. Mayroon itong mga sumusunod na tunog:
| |||||||||||||||||||||
S-CI |
s[ch]i |
Ang mga pangkat na S-CI at S-CE. Nakasulat sa ganitong paraan upang bigyang-diin na ang mga titik S at C ay hindi magkahalo bilang iisang tunog, kagaya ng salitang Ingles na 'scene', ngunit nagbibigay-tanda ng magkahiwalay na mga tunog ng walang tinig na 's' at ang malambot na 'ch'.
| |||||||||||||||||||||
CH |
c |
Ang digrapong CH. Kumakatawan sa mariing tunog na 'k'.
| |||||||||||||||||||||
CE |
[ch]e |
Ang digrapong CE. Binibigkas katulad ng English na 'ch' followed by 'e', o ang Tagalog na 'ts' kasunod din ng 'e'.
| |||||||||||||||||||||
CI |
[ch]i |
Ang digrapong CI. Binibigkas bilang 'ch' kasunod ng 'i', gaya ng 'chico'.
| |||||||||||||||||||||
GN |
[nh] |
Ang digrapong GN. Kinakatawan ang tunog ng 'ny' katulad ng 'Katalunya' at 'kampanya', o katulad ng pagkaing Italyano na 'lasagna'.
| |||||||||||||||||||||
GE, GI |
[gh]e, [gh]i |
Ang mga digrapong GE at GI. Kinakatawan ang matigas na tunog 'g' kasunod ng 'e' o 'i', kagaya ng Ingles na 'good'.
| |||||||||||||||||||||
QU |
cu |
Ang digrapong QU. Kinakatawan ang tunog ng 'kw', gaya ng 'qu' sa Ingles 'queen'.
|
Halimbawang Teksto[modìfica | modifiché la sorgiss]
Subukan, at saka tuklasin mong... natutunan mo nang magbasa!
- Vardé se adess i seve bon a lese sossì. Se i l'eve faila, a veul dì che dj’analfabeta i seve già pì nen, e la diferensa tra CÒL dla camisa , COL che a së s-ciàira e CUL dla bota adess i la seve ëdcò për ëscrit (che ant la vita i la conossìe motobin anans che iv lesèisse sossì).
(Ngayon tingnan mo kung mababasa mo na ito. Kapag nagawa mo na iyon, nangangahulugang hindi ka na iletrado...)
Isang malugod na pagbati at buwena suwerte!